Ang kompuwesto (o kompwesto sa ponemikong baybay) ay isang kimikal na sustansya na binuo mula sa dalawa o higit pang elemento, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito. Halimbawa, ang tubig (H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng hydrogen sa bawat isang atomo ng oxygen.
Sa pangkahalatan, ang tiyak na ratio na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng tanso, ang superconductor na YBCO, ang semiconductor na aluminum galium arsenide o tsokolate ay itinuturing na mga mixture o alloy at hindi kompuwesto.
Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang kimikal. Inilalarawan ng pormula ang ratio ng mga atomo sa isang sustansya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansya (kaya ang pormula ng ethene ay C2H4 hindi CH2). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula; halimbawa, ang sodium chloride (karaniwang asin, NaCl) ay isang kompuwesto ioniko.
Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming phase. Maraming mga kompuwesto ay solid. Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging liquid o gas. Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na decomposition temperature. Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang, ang kanyang CAS number.
مركب كيميائي | Compost químic | Chemická sloučenina | Kemisk forbindelse | Chemische Verbindung | Chemical compound | Kemia kombinaĵo | Compuesto químico | Keemiline aine | Yhdiste | Evnasambinding | Composé chimique | תרכובת | Vegyület | Senyawa kimia | Kemiala kompozito | Efnasamband | Composto chimico | 化合物 | 화합물 | Хемиско соединение | Sebatian kimia | Chemisch Verbinnung | Chemische verbinding | Kjemisk sambinding | Związek chemiczny | Composto químico | Chemical compound | Chemická zlúčenina | Spojina | Хемијско једињење | Sanyawa kimia | สารประกอบเคมี | Bileşik | Hợp chất | 化合物
This article is licensed under the GNU Free Documentation License.
It uses material from the
"Kompuwesto".
Home Page • arts • business • computers • games • health • hospitals • home • kids & teens • news • physicians • recreation• reference • regional • science • shopping • society • sports • world